‘Wag nang idamay Rosmar! Rendon Labador nag-sorry sa Coron LGU

Humingi ng patawad si Rendon Labador sa local government unit ng Coron matapos isyuhan ng persona non grata dahil sa panduduro sa mga lokal na opisyal doon.

Humingi ng patawad si Rendon Labador sa local government unit ng Coron matapos isyuhan ng persona non grata dahil sa panduduro sa mga lokal na opisyal doon.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Labador na siya na lang daw ang patawan ng persona non grata at huwag na si Rosemarie “Rosmar” Tan dahil mabuting tao ito.

“Humihingi ako ng pasensya kung napasobra ang aking ginawa sa video. Wala akong intensyong masama, kung may mga taong nasaktan man at hindi natuwa humihingi ako ng pasensya,” saad ni Labador.

“Pakiusap ko lang sa Mayor at LGU ng Coron, Palawan na huwag nalang idamay si Rosmar. Ako nalang ang tatanggap ng PERSONA NON GRATA kung yan ang gusto ninyong mangyari,” dagdag niya.

Nag-viral kamakailan ang #TeamMalakas, grupo nila Rosmar at Rendon, matapos duru-duruin at sigawan ng mga content creators ang staff ni Coron Mayor Marjo Reyes.

BASAHIN: