‘Wag nang i-share ang mga litrato! Singer na si Kokoi Baldo, patay sa aksidente

Unang nakilala Kokoi Baldo bilang isa sa mga finalist ng “The Voice Season 2” noong 2015, at mula noon ay tinaguriang "Bob Marley of the Philippines."

Patay ang kilalang reggae singer na Kokoi Baldo matapos madisgrasya sa kalsada sa Bacolod nitong Biyernes, Disyembre 8.

“It is with a heavy heart to inform the public, especially the fans, that Kokoi Baldo has passed away earlier this morning,” saad ng maybahay ni Kokoi na si Sam sa Facebook page ng singer.

“We kindly ask for privacy during this hard time in respect to his family and friends. He will be missed, loved and forever in our hearts,” dagdag pa niya.

Si Kokoi ay unang sumikat bilang isa sa mga finalist ng “The Voice Season 2” noong 2015.

Sa isa pang post, umapela rin si Sam sa publiko na huwag nang i-share sa social media ang mga litratong may kaugnayan sa aksidente.

“I am humbly asking everyone to take down the posts pertaining to my husband, Kokoi Baldo’s accident scene as it is already causing distress to our entire family,” aniya.

Kilala si Baldo bilang “Bob Marley of the Philippines.”