‘Wag naman sana: 1 sa 2 nawawalang Pilipino sa Israel, maaaring bihag na ng Hamas—DFA

Pinangangambahang hawak ngayon ng Hamas bilang hostage ang isa sa dalawang nawawalang Pilipino sa Israel batay na rin sa impormasyong ibinigay ng pamahalaan ng Holy Land.

Maaaring bihag na ngayon ng militanteng Hamas ang isa sa dalawang nawawalang Pilipino sa Israel, sinabi ng gobyerno nito sa embahada ng Pilipinas.

“There are two missing Filipinos, two unaccounted for according to the Embassy,” sabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega sa isang virtual press conference nitong Miyerkules, Oktubre 25. “As to whether there are hostages, we cannot affirm that although Israel believes that, one of them a male, is likely a hostage. [But] they haven’t shown us the evidence.”

Gayunpaman, kinumpirma ni De Vega ng ang tinutukoy ng pamahalan ng Israel ay ang parehong lalaki na nakilala diumano ng kaniyang asawa sa isang video kung saan hawak ng mga armadong indibidwal ang isang lalaki.

Dagdag ni De Vega, nakikipagdiyalogo na ang Pilipinas sa ibang mga gobyerno ukol dito.

“For the protection of the hostages, we won’t reveal exactly what we’re doing other than to confirm that we are talking to all who may be able to help us,” sambit niya.

“We are not talking to Hamas but we are talking to governments,” sabi pa ni De Vega.

Matatandaang may ilang Pilipino na ang nasawi sa gitna ng giyera ng Israel at Hamas.