‘Wag na sana umabot sa pagbili niyan: Panukalang murang kabaong at libing, umarangkada na sa Kamara

Magastos mamuhay sa Pilipinas. Magastos rin mamatay dito, ayon sa isang mambabatas.

Aprubado na ng committee on trade and industry ng House of Representatives ang panukalang batas na naglalayong gawing mas mura ang kabaong at libing.

Nais ng House Bill (HB) No. 102, na isinusulong ni Deputy Speaker and Cebu Rep. Duke Frasco, seeks, na i-regulate ang pagbebenta ng kabaong upang masigurado ang “availability of affordable decent caskets.” Ito ay tatawagin ring “Affordable Caskets Act.”

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Frasco na ang “cost of dying” sa Pilipinas ay “burden akin to the challenges of living” na rin dahil sa sobrang mahal ng funeral services at kabaong.

Ayon sa HBN 102, dapat laging mayroong maaayos pero murang kabaong ang lahat ng punerarya sa bansa. Oobligahin ng nasabing panukala na magbenta ang mga punerarya ng mga kabaong na hindi lalampas sa P20,000.

Sa pagtalakay ng panulaka ni Frasco, inirekomenda na rin ng komite ang pagsulong ng murang funeral services.