Wag na magpa-bebe, wala nang makakapigil! Consolidation ng mga PUV operators, drivers tuloy hanggang katapusan ng 2023 — DOTr

Iginiit ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na magreresulta sa maayos at efficient na operasyon ang pag-consolidate ng mga PUV, na itinakda ang deadline sa Disyembre 31 ngayong taon.

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa deadline ng pag-consolidate ng mga operator at driver ng mga Public Utility Vehicle (PUV) para maging mga kooperatiba o korporasyon.

Sa isang panayam sa radyo, iginiit ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na magreresulta sa maayos at efficient na operasyon ang pag-consolidate ng mga PUV, na itinakda ang deadline sa Disyembre 31 ngayong taon.

“Yung consolidation gagawin natin yan sa December 31 para mas maging efficient ang operations ng transport sector. Kasi kung mag-ooperate tayo individually, hindi masyadong magiging sustainable [ang operations],” sinabi ni Bautista.

Magkakaroon rin ng “just transition” sa pagpapatupad ng consolidation program, at iginiit na walang jeepney phase out na mangyayari.

“Meron tayong tinatawag na just transition. Kasi kung gusto nila ay ibigay natin bago tayo magsimula [ng PUVMP], siguro hindi natin masisimulan ito,” aniya.

Tanging mga roadworthy na jeepney lamang ang papayagang pumasada sa kanilang mga ruta.

Ipinunto pa ni Bautista na mismong mga transport cooperatives na ang humaharap para patotohanan ang benepisyong ipinangako nang magpasya sila na mag-consolidate. Kabilang sa benepisyo na tinukoy ang maayos na pagpapasahod sa mga manggagawa, periodic maintenance ng mga sasakyan, at maayos na pagpasada.

“In fact, yung mga successful operators na nag-consolidate na sinasabi nila na naging efficient ang operations nila, may sarili silang dispatching, meron silang tamang maintenance ng sasakyan, pinapa-sweldo nila ng maayos ang kanilang mga drivers,” ani Bautista.

Inanunsyo rin ni Bautista na bubuksan nila ang tanggapan ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office for Transportation Cooperatives (OTC) para tumanggap ng mga aplikasyon sa Disyembre 30, isang public holiday na gumugunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. are open to receive applications.

“Mag-apply na po sila, bukas po ang mga opisina ng LTFRB, Office for Transportation Cooperatives hanggang December 30, kahit bakasyon yan tatanggapin namin ang kanilang application,” aniya.