‘Wag na ipilit ang bawal! Mahigit 1K arestado sa paglabag sa gun bun – PNP

Karamihan sa mga huli ay sibilyan ngunit may mangilan-ilan ring mga kapwa pulis, sikyu, at mga hinalal na opisyal ng gobyerno, ayon sa Philippine National Police (PNP)

Mahigit isang libo katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban na pinapairal kaugnay ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa 1,063 gun ban violators na ang nasakote ng pulisya, at 1,017 ay mga sibilyan, samantalang ang iba naman ay mga pawang pulis rin, mga security guard, at elected government officials.

“Itong mga datos natin sa ban of firearms ay hindi lamang sa Comelec checkpoints nahuhuli. Kasama na rin diyan ang mga suspects na subject natin sa police operations,” paliwanag ni Fajardo sa isang panayam.

Ibinaba ang gun ban simula Agosto 28 at tatagal ito hanggang Nobyembre 29.