‘Wag maniniwala sa ‘easy money!’ SEC, nagbabala kontra ‘paluwagan’ ng hindi rehistradong kumpanya

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Pasig City Police, may higit 100 na reklamo na laban sa BNY PAL & Trading Benta Paluwagan. Kasalukuyan umano itong nangangalap ng ebidensya bago magsampa ng mga karapatang kaso.

Binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko na maging maingat sa mga investment nito.

Partikular na binalaan ng SEC ang publiko sa pagsali sa mga “paluwagan” ng mga kumpanyang hindi rehistrado at walang lisensya na mangolekta ng pera.

Isa na rito, ayon sa ahensiya, ang BNY PAL & Trading Benta Paluwagan, na inireklamo na ng ilang mga namuhunan rito.

Kwento ng isang investor na si “Maria,” malaki ang nakuha niyang kapalit sa P600,000 na una niyang pinuhunan.

“Kunyari aasahan mong sahod dito ay P300,000, ipinapa benta daw ng P200,000, yung bibili daw po ay kikita ng P100,000,” paliwanag niya.

Subalit hindi na ito naulit at bagkus ay nalugi na ang puhunan niya.

Ayon naman sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Pasig City Police, may higit 100 na reklamo na laban sa BNY PAL & Trading Benta Paluwagan. Kasalukuyan umano itong nangangalap ng ebidensya bago magsampa ng mga karapatang kaso.