‘Wag maging marahas sa pag-aresto kay Quiboloy! — Padilla

Nakiusap si Senator Robinhood Padilla na idaan sa pamamagitan ng diplomasya at mahinahon na paraan ang pag-aresto kay Kingdon of Jesus Christ leader Pasto Apollo Quiboloy.

Nakiusap si Senator Robinhood Padilla na idaan sa pamamagitan ng diplomasya at mahinahon na paraan ang pag-aresto kay Kingdon of Jesus Christ leader Pasto Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos salakayin ng mga awtoridad ang mga ari-arian ni Quiboloy sa Davao City nitong Lunes, kung saan humigit-kumulang isang daang pulis ang sabay-sabay na naghanap sa pastor.

Nakakalungkot umano kasi na ginawa ang pagsalakay sa isang lugar ng pagsamba.

“‘Di ko alam bakit ang iinit ng ulo ng Pilipino ngayon. Relax lang tayo. Kasi alam niyo, may bagay na nakukuha sa usapan, kailangan nating daanin sa usapan, ‘wag tayo masyadong marahas, ‘wag tayo masyadong mainit ang ulo,” panawagan ni Padilla.

Bagaman si Quiboloy umano ang pastor ng KOJC, dapat umanong irespeto ang pinaniniwalaang Diyos ng mga miyembro ng kanilang simbahan.

“Hihiwalay natin ang religion ng tao sa, si Pastor Apollo Quiboloy ay pastor, ‘di siya ang sinasamba ng mga tao, ng kingdom. Siya ang pastor, pero may sinasamba na Diyos ang KJC. At ‘yan ang dapat natin nirerespeto at ‘yan ay nasa Constitution,” dagdag pa ng Senador.