‘Wag mabahala sa ulat ng rabies sa mga baka, baboy – DA

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala umanong dapat ikapangamba ukol sa kumakalat na balitang may rabies ang mga baka at baboy.

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala umanong dapat ikapangamba ukol sa kumakalat na balitang may rabies ang mga baka at baboy.

Kamakailan kasy ay gumawa ng ingay ang ulat na mayroong kaso ng rabies sa mga baka at baboy sa Marinduque at Pampanga.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante Dante Palabrica na todo ang pagbabantay ng mga beterinaryo sa sitwasyon ng mga naturang hayop sa lugar.

“Unusual lang kaya inireport ko ito, but it’s not alarming. Ang importante ay ma-contain natin ang rabies sa dogs and cats,” pahayag nito sa isang panayam.

Aniya, hindi naman umano natural sa mga hayop ang pagkakaroon ng rabies.

Ang rabies kasi ay naipapasa kapag nakagat ang hayop ng isa pang hayop na positibo dito.

“It’s not true, it takes another rabid dog to transfer to another dog or cat, the virus. Alisin natin iyong pananaw na natural ito sa katawan ng Animalia,” dagdag nito.

Bukod dito, ang DA ay nagsasagawa rin ng mahigpit na pagmamanman sa posibleng pagkalat ng rabies sa mga hayop sa kagubatan.

“We are still waiting for any report, ang mabigat kasi kapag wildlife naman ang kagatin ng aso, it might also spread into the wildlife,” ani Palabrica.