Wag lang puro research! Mambabatas sa DOST: Gamitin ang natuklasan para solusyunan ang problema sa tubig

Hinimok ng isang mambabatas ang Department of Science and Technology (DOST) na gamitin ang mga napag-aralan nito para solusyonan ang problema sa tubig sa bansa.

Hinimok ni Senator Francis Tolentino ang Department of Science and Technology (DOST) na ipatupad ang mga pagsasaliksik nito ukol sa water technology, para matugunan ang problema sa tubig ng bansa.

“I look forward to seeing your agency and other agencies having not just a scholarly output on water recycling and reuse. If you really want to help local government units, there is an existing Barangay Water Impounding Law, which has yet to be implemented,” paliwanag ni Tolentino sa hearing ng Senate finance subcommittee para talakayin ang panukalang budget ng DOST sa 2024.

Kaugnay nito, tinukoy ni Tolentino ang pag-aaral ng National Research Council of the Philippines kung paano tugunan ang water crisis sa Lanao del Norte, ang Water Security o TUBIG Program sa ilalim ng National Integrated Basic Research Agenda, ang Coastal Aquifers System, at ang water desalination technology.

“Hindi nga naririnig itong mga programang ito. Maganda ito, hindi naririnig,” dagdag ni Tolentino sa paghimok sa DOST na pag-igihin ang mga inisiyatibo nito tungkol sa tubig.