Wag kasing nega agad! Romualdez: PBBM determinado tuparin ang P20/kilo ng bigas

Giniit ni House Speaker Martin Romualdez na tinatrabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang katuparan ng pangako niyang P20 kada kilo ng bigas.

Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na patuloy na gagawa ng mga hakbang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matupad ang ipinangako niyang P20 kada kilo ng bigas noong kampanya sa eleksyon.

Una nang nanindigan ang pangulo na maaari pa ring matupad ang nasabing pangako sa isang panayam sa Zamboanga City.

“Walang masamang mangarap at gumawa lahat ng paraan na ma-achieve natin ito,” paalala ni Romualdez, na ibinida rin ang mga ginagawa ng pangulo upang matupad ang nasabing pangarap.

Isa na rito ay ang pag-allocate ng pangulo ng P10 billion sektor ng agrikultura, na aniya ay magagamit upang palawakin pa ang irrigation capacity ng bansa at ang subsidization ng mga farm inputs.

Ayon kay Romualdez, ang naturang halaga ay manggagaling sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Romualdez na dadagdagan ng Kamara ng P40 bilyon ang mga irrigation projects ng gobyerno upang suportahan pang lalo ang layunin ng pangulo na mas mapataas pa ang produksyon ng agriculture sector.

Nakatakda ring maghain ang economic team ni Marcos ng mga “better options” para mapababa ang presyo ng bigas.