‘Wag kami, please lang! Speaker Romualdez, binalaan ang mga rice trader sa pagpuslit, pag-imbak ng iligal ng bigas

Binalaan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga rice trader na maaaring gampanan na lang ng gobyerno ang pag-angkat ng bigas at ibenta ito sa mas mababang presyo kung magpapatuloy ang pagpuslit at iligal na pag-imbak nito.

Binalaan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga rice trader na maaaring gampanan na lang ng gobyerno ang pag-angkat ng bigas at ibenta ito sa mas mababang presyo kung magpapatuloy ang pagpuslit at iligal na pag-imbak nito.

Sa isang pulong kasama ang mga kinatawan ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) at Grain Retailers Confederation of the Philippines (GreCon) sa Makati nitong Biyernes, sinabi rin ni Romualdez na kaya rin kumpiskahin ng Bureau of Customs ang mga puslit na bigas at ibenta to sa mababang halaga.

“Don’t try to scare the government na ‘hey, you know, we’ll all band together and just import.’ With all due respect, they can say that, but the government can take over and do the importing itself, or just break even or even subsidize, because, at the end of the day, the people, the 100 million Filipinos, will not be overcharged and go hungry,” ani Romualdez.

“So if we find out that people are importing and hoarding and profiteering, we’re going to raid. And Customs can just seize it and just give it to the DSWD (Department of Social Welfare and Development), to Kadiwa, you know, for sale at a much, much lower price point, you know,” dagdag pa niya.

Kasama ni Romualdez sa pulong sina Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House appropriations committee; Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, chairman ng House agriculture committee; Quezon 2nd District Rep. David Suarez, vice chair ng naturang komite; Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos, senior deputy majority leader, at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, deputy majority leader.

Kausap ng mga mambabatas sa pulong sina PRISM lead convener Rowena Sadicon, GreCon representative Orly Manuntag, PRISM secretary Atty. Halmen Valdez, at pangulo ng Nueva Ecija Rice Millers Association Elizabeth Vana.

Tiniyak ni Romualdez na tutulungan ng gobyerno ang mga rice trader sa kanilang mga suliranin, ngunit magiging iba ang usapang kapag matukoy ng mga awtoridad na bahagi sila ng problema sa smuggling at illegal hoarding.

“If you want to be part of the solution, you are with us, we will help you, we’re going to support you. But if you’re part of the problem, we will root you out,” ani Romualdez.