Wag kami! Pilipinas, hindi kailanman manggugulo sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea – PBBM

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas sa West Philippine Sea matapos tanggalin ng Philippine Coast Guard ang kinabit nitong floating barrier sa Scarbourough Shoal.

Iginiit ni Pangulong Marcos na patuloy ipaglalaban ng Pilipinas ang teritoryo nito maging ang karapatan ng mga mangingisda nito na pumalaot sa karagatang sakop ng bansa.

“Hindi tayo naghahanap ng gulo, basta’t gagawin natin, patuloy nating ipapagtanggol ang Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang karapatan ng mga fisherman natin na mangisda doon sa mga areas kung saan sila nangingisda daang-daang taon na kaya’t hindi ko maintindihan bakit nagkaganito,” ani Pangulong Marcos.

“Basta kagaya ng sabi ko, umiiwas nga tayo sa gulo, umiiwas nga tayo sa maiinit na salita ngunit matibay ang ating pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas,” sinabi pa ng Pangulo.