‘Wag dapat patumpik-tumpik! Importers ng bigas, binigyan ng taning ni DA chief Laurel Jr.

Target ng DA na patagalin ang suplay ng bigas hanggang Marso dahil ito ang susunod na harvest season ng palay.

Binigyan ni Department of Agriculture Secretary Kiko Laurel Jr. ng 30 araw ang mga importer na bigas upang gamitin ang mga permit na ibinigay sa kanila sa pag-angkat ng tinatayang isang milyong tonelada ng bigas.

“Sabi ko, kapag hindi ninyo i-import yan within 30 days, kakanselahin ko lahat yan because I don’t want to be held hostage by permits that were issued to them upon their request,” aniya.

Ang aangkakting bigas, ayon kay Laurel, ay para masiguradong may sapat na suplay sa bansa upang mapagilan na rin ang pagtaas ng presyo nito.

BASAHIN RIN: ‘Gusto kong marinig ng personal’: DA chief Laurel, personal na makikipagkita sa mga magsasaka at mangingisda

Batay sa datos ng DA, may rice surplus ang bansa na 2.98 milyon metric tons, at maaari itong tumagal nang hanggang 80 araw. Kung mag-aangkat ng adisyunal na bigas sa lalong madaling panahon, mas mapapatagal pa ang naturang suplay, ayon kay Laurel.

Target ng DA na patagalin ang suplay ng bigas hanggang Marso dahil ito ang susunod na harvest season ng palay.