‘Wag bastos! Abalos nagpatama sa ‘prayer rally’ ng mga Duterte

"Disturbing" at "inappropriate."

“Disturbing” at “inappropriate.”

Ganito inilarawan ni Interior Secretary benhur Abalos ang naging mensahe ng ilang opisyal ng gobyerno sa ginanap na “Hakbang ng Maisug” prayer rally sa Cebu City noong Linggo.

Sa isang pahayag noong Lunes, pinaalalahanan ni Abalos ang mga opisyal ng gobyerno na maging mabuting ehemplo sa taumbayan, lalung lalo na sa mga kabataan.

“We should avoid using vulgar and abusive language. We can always communicate our opinions with civility,” ani Abalos.

“We must always keep in mind that the Code of Ethics of Public Officials requires that we carry ourselves with integrity, professionalism, and respect to all colleagues, and to all people at that,” dagdag pa niya.

Hindi pinangalanan ni Abalos kung sinong mga opisyal ang kanyang tinutukoy.

Ang prayer rally ay pinangunahan ni Cebu City Mayor Michael Rama, Davao City Mayor Baste Duterte, at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala ang dating pangulo sa kanyang pag-mumura kahit sa kanyang mga talumpati.