‘Wag ako babuyin! Bato gigil sa isyung nabayaran para pagtakpan si PBBM sa droga

Hindi napigilan ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na manggalaiti matapos sabihin ng blogger na si Maharlika na nabayaran siya para pagtakpan si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ukol sa isyu ng droga.

Hindi napigilan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na manggalaiti matapos sabihin ng blogger na si Maharlika na nabayaran siya para pagtakpan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa isyu ng droga.

Kamakailan kasi ay inilabas ni Maharlika ang isang dokumento kung saan nakalagay ang pangalan ng Pangulo sa watch list ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Maharlika, tila na nabayaran na ni First Lady Liza Marcos-Araneta si Dela Rosa para pagtakpan si Marcos.

Aniya, kung totoo mang nabayaran siya ay hindi na dapat siya umano dumadalo sa mga senate hearing.

“Kung nakikinig ka ngayon Maharlika, sinong Senador lang ngayon ang naghe-hearing.”

“You ask yourself kung sinong senador lang ang gustong malaman ang katotohanan!” pagalit na pahayag nito.

Sinabi pa nito na huwag siyang idamay sa pangbababoy ng blogger dahil hindi siya tatahimik sa mga banat nito.

“How dare you! Do you think may presyo ‘yung mukha ko?” ani Dela Rosa.

“Kung gusto kong pagtakpan si Presidente Marcos, dapat hindi na ako naghe-hearing dito,” dagdag pa nito.

Samantala, ipinag-utos na ni Dela Rosa na imbitahan sa mga hearing si Maharlika upang malinaw nito kung saan niya nakuha ang naturang dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).