Wa epek! 2 araw na tigil-pasada sablay – DOTr

Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes na hindi naging matagumpay ang dalawang araw na tigil-pasada ng dalawang transport group.

Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes na hindi naging matagumpay ang dalawang araw na tigil-pasada ng dalawang transport group.

Ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista, nagawa ng pamahalaan na makontra ang epekto ng tigil-pasada, na isinagawa ng mga grupong PISTON at Manibela.

Ani Bautista, nagdulot lang ng mabigat na daloy ng trapik ang kilos-protesta ng dalawang grupo.

“They were successful in creating traffic. Pero we were able to prove that government is ready to address transport issues,” saad ng kalihim.

Dagdag pa niya, pinag-aaralan nila kung irereklamo ang PISTON at Manibela ng paglabag sa batas trapiko dahil sa kanilang protesta.

“Ang nakita namin ay obstruction which created traffic. Mayroon naman silang right na ipaglaban ang kanilang karapatan, pero ‘wag naman sanang ma-apektuhan ang traveling public,” wika pa ni Bautista.

Sa southbound lane ng Quezon Avenue mula Welcome Rotonda hanggang Blumentritt nagprotesta ang dalawang grupo hinggil sa deadline ng gobyerno sa franchise consolidation ng mga PUV.