VP Sara tinuldukan na UniTeam

Nagpahiwatig si Vice President Sara Duterte na tapos na ang Uniteam tandem nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagpahiwatig si Vice President Sara Duterte na tapos na ang Uniteam tandem nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam kay VP Sara, sinabi nito na ang Uniteam ay para lamang sa 2022 elections.

“Ang Uniteam was a tandem during 2022 elections,” saad ni Duterte.

“We are not candidates anymore,” giit pa nito.

Nabuo ang alyansang Marcos-Duterte gamit ang pangalang ‘Uniteam’ noong 2022, kung saan parehong nagwagi ang magka-tandem.

Ngunit sa mga nakalipas na buwan ay tila nagkaroon ng lamat ang relasyon ng mga Marcos at Duterte.

Ito’y matapos sabihin ni First Lady Liza Araneta Marcos na totoong may sama siya ng loob kay VP Sara sa pagsama sa rally na kontra kay PBBM.

Nandiyan din ang mga banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos sa ilan ding rally.