VP Sara tahimik sa WPS, POGO; nag-tree planting event!

Binatikos ng dating congressman na si Barry Gutierrez ang tila'y pananahimik ni Vice President Sara Duterte ukol sa mga isyunh kinakaharap sa West Philippine Sea (WPS).

Binatikos ng dating congressman na si Barry Gutierrez ang tila’y pananahimik ni Vice President Sara Duterte ukol sa mga isyunh kinakaharap sa West Philippine Sea (WPS).

Bukod pa riyan, tila wala rin umano itong komento sa pagdami ng mga operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa platform X, pinuna ni Gutierrez, tagapagsalita rin ni dating Bise Presidente LeninRobredo, ang tree planting activity na isinagawa ng opisina ni Sara sa Pateros, Manila.

“Walang imik sa isyu ng West Philippine Sea o sa POGO, pero may pa tree planting naman pala,” pahayag ni Gutierrez sa platform X.

“Parang hindi 1.8B ang budget ni madam ah,” dagdag pa nito.

Kalakip ng kanyang post ay ang larawan ng press release ng OVP, kung saan nakasulat ang lahat ng detalye sa naganap na tree planting.

TIGNAN: https://twitter.com/barrygutierrez3/status/1797596491911147674?s=46&t=bP13kRgkZIV9gJ4IrVqlPw