VP Sara sinita PNP sa tangkang pag-aresto kay Quiboloy

Nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa pulisya matapos ang tangkang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao.

Nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa pulisya matapos ang tangkang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao.

Nilarawan ni VP Sara na magulo umano ang paghahain sana ng arrest warrant ng pulisya para madakip ang wanted na pastor.

Aniya, nagpakita umano ng labis na pwersa ang awtoridad sa harap ng mga sibilyan para maaresto si Quiboloy.

“Sa ating pagpapairal ng batas, huwag nating kalimutan ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga sibilyan, at mahalagang matiyak na malayo sa panganib ang mga kabataan,” wika ni VP Sara.

Hiling din ni VP Sara na mapanatili ang respeto, kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Pareho ito ng naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sinabing hindi umano katanggap-tanggap ang inasal ng mga pulis para madakip si Quiboloy.

“This incident occurred within a place of worship and school premises, which is absolutely unacceptable,” hirit ni Digong.

Nagtungo ang PNP Davao sa compound ni Quiboloy ngunit hinarang sila doon ng mga supporter ng pastor.

Ayon din sa pulisya, hindi nila nakita doon ang wanted na pastor.