VP Sara sa pagsuko ni Pastor Quiboloy: Desisyon niya ‘yon

Hindi inudyukan ni Bise Presidente Sara Duterte si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng mga kasong nakahain laban sa kanya.

Hindi inudyukan ni Bise Presidente Sara Duterte si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng mga kasong nakahain laban sa kanya.

Ayon kay VP Sara, personal na desisyon ng pastor ang kanyang pagsuko.

Gayunman, ikinatuwa ng bise presidente sa mga korte na galing ang warrant of arrest laban kay Quiboloy.

“Maganda iyong development na mayroon nang kaso na nasa tamang forum, nasa tamang venue dahil nasa korte,” saad ni VP Sara.

“Ngayon kung ano man ang desisyon ni Pastor Quiboloy na gagawin niya ay personal na niya sa desisyon iyon,” dagdag pa niya.

Matatandaang isa si VP Sara sa mga nagpahayag ng pagsuporta kay Quiboloy.

Samantala, ang unang warrant of arrest laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay inilabas ng isang korte sa Davao kaugnay ng kasong child abuse.

Inihayag din ng Department of Justice na maglalabas din ng arrest warrant ang Pasig RTC para naman sa kasong human trafficking.