VP Sara nagbigay-pugay sa mga ina ngayong Mother’s Day

Nagbigay rin ng mensahe si Bise Presidente Sara Duterte sa mga nanay ngayong Linggo o Mother's Day.

Nagbigay rin ng mensahe si Bise Presidente Sara Duterte sa mga nanay ngayong Linggo o Mother’s Day.

Sa kanyang mensahe, binansagan ni VP Sara na mga ‘unsung heroes’ ang mga nanay.

“Sa lahat ng inang nagsusumikap mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya—sa loob man o sa labas ng bansa, sa sariling tahanan man o sa kani-kaniyang propesyon—hindi po masusukat ang inyong napakahalagang papel sa pagbuo ng matatag na sambayanang aakay sa atin patungo sa mas maunlad na kinabukasan,” saad ng bise presidente.

“We take this moment to express our heartfelt gratitude for the selfless sacrifices they make every day to nurture and care for their families. Their love and guidance pave the way for brighter futures and stronger communities,” dagdag pa niya.

Si VP Sara ay may tatlong anak sa kanyang asawang si Mans Carpio.

Bukod kay VP Sara, nagpaabot din si President Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang mga mensahe sa mga ina.