VP Sara hindi dadalo sa SONA ni PBBM

Isinawalat ni Vice President Sara Duterte na hindi siya makakadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isinawalat ni Vice President Sara Duterte na hindi siya makakadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“I will not attend sa SONA. I am appointing myself as the designated survivor,” pag-amin ni Duterte sa mga reporters nitong Hulyo 11.

Matatandaang bumitaw sa pwesto bilang Education secretary si VP Sara at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nagsumite ng resignation si VP Sara nang hindi sinasabi ang tunay na dahilan na siya namang agarang tinanggap ng pangulo.

Magkasama sa Uniteam sina Duterte at Marcos noong kumandidato ang dalawa sa 2022 presidential elections ngunit wala pang dalawang taon ay nagkalamat ang pagsasama at tuluyan na ngang nabuwag ang alyansa ngayong taon.

PANOORIN: