VP Sara, FL Liza magtatabi pa kaya sa SONA?

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na kabilang si Vice President Sara Duterte sa mga imbitado para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na kabilang si Vice President Sara Duterte sa mga imbitado para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gaganapin sa Hulyo 22 ang SONA ng Pangulo, na inaasikaso ngayon ng Kamara de Representantes.

Hindi naman umano kinunpirma ng Bise Presidente kung ito ay makakadalo.

“Hindi, hindi ko pa alam. I’ll have to check that. But, these are traditional invitees, no? All the heads of the Constitutional Commissions, all, ah, Cabinet officials, ah, well, including the Vice President,” sinabi ni Velasco.

Samantala, natanong naman si Velasco kung magkakaroon ng pagkakataon na magkatabi sina FL Liza at VP Sara.

“It will be decided by the interagency. We have an interagency committee, wherein the Office of the President and the Senate counterparts are there. So, we will decide on that, the seating plan for the VIPs. As of now, wala pang decision,” paliwanag nito.