VP Sara ‘di na daw hihingi ng confidential funds sa susunod na taon

Walang balak si Vice President Sara Duterte na humingi ng confidential funds mula sa P6.352 trilyong national budget para sa susunod na taon.

Walang balak si Vice President Sara Duterte na humingi ng confidential funds mula sa P6.352 trilyong national budget para sa susunod na taon.

“For the Office of the Vice President, no, wala kaming proposal ng confidential funds for [next year],” pahayag ni Duterte ss ambush interview sidelines ng Pasidungog awards sa Cebu.

Una nang tinanggihan ni Duterte ang P500 milyong confidential at intelligence funds (CIF) na nakapaloob sa 2024 national budget.

Sa plenary deliberations sa 2024 proposed budget ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Senator Pia Cayetano na tinanggihan na rin ni Duterte ang P150 milyong confidential funds ng kagawaran.

Una rito, nagbitiw na si Duterte bilang kalihim ng DepEd at bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nabatid na ang 2025 national budget ay mas mataas ng 10.1% kumpara sa kasalukuyang budget na P5.768 trilyong.