VP Sara bigatin abogado sa P125M confidential fund case

Tinaguriang 'super lawyer' ang kinuha ni Vice President Sara Duterte para idepensa siya sa mga kasong isinampa sa kanya na may kaugnayan sa P125 million confidential funds.

Tinaguriang ‘super lawyer’ ang kinuha ni Vice President Sara Duterte para idepensa siya sa mga kasong isinampa sa kanya na may kaugnayan sa P125 million confidential funds.

Si Atty. Estelito Mendoza ang magsisilbing abogado ni VP Sara. Siya ay tumayong solicitor general o abogado ng Malacañang noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Bukod sa pagiging solicitor general, ilan sa kliyenteng hinawakan niya ay sina Senador Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tatlong petisyon ang isinampa laban kay VP Sara tungkol sa legalidad ng confidential confidential funds na pinagkaloob sa kanya noong 2022.

Ilan sa naghain ng reklamo ay sina ACT Teachers Rep. France Castro, at mga abogadong sina Howard Calleja at Christian Monsod.

Samantala, nanawagan naman si VP Sara sa Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon laban sa confidential funds ng kanyang opisina.

“No question, no matter how interesting or compelling, can be answered by this Court if it cannot be shown that there is an ‘actual and antagonistic assertion of rights by one party against the other in a controversy wherein judicial intervention is unavoidable’,” giit ng kampo ni VP Sara.