Voter registration sa 2025 midterm elections sisimulan sa Feb. 12

Sinumang nais na magparehistro ay maaring magpakita ng anumang government-issued identification cards na may pirma ng aplikante.

Hindi na maniningil ang Commission on Elections para sa voter’s certificate simula February 12, 2024.

Napagkasunduan sa pulong ng poll body na suspendihin ang “payment of fees” sa naturang dokumento.

Sumisingil ang Comeles ng P75 sa sinumang kumukuha ng voter’s certification.

Samantala, sisimulan sa lunes, February 12 ang voter registration para sa 2025 midterm elections na tatagal hanggang September 30, 2024.

Sinumang nais na magparehistro ay maaring magpakita ng anumang government-issued identification cards na may pirma ng aplikante.

Inaasahan ng Comelec ang nasa tatlong milyon registrants.