‘Vote of confidence’ ng taumbayan: Mga mambabatas ng Mindanao bloc, todo suporta rin kay Speaker Romualdez

Buong-buo ang suporta ng mga kapwa mambabatas ni House Speaker Martin Romualdez, na patuloy na umaani nang mataas na trust at approval rating sa mga survey.

Ilang araw matapos umani ng suporta sa Visayan bloc ng House of Representatives, nakatanggap rin si House of Speaker Martin Romualdez ng pagsuporta mula sa mga mambabatas na tubong Mindanao naman.

Anila, ang mataas na rating ni Romualdez ayon sa survey ng OCTA Research ay “vote of confidence” ng taumbayan sa liderato ng Speaker, na siya naman nilang sinusuportahan.

“The survey has unveiled a substantial and noteworthy 6-point surge in the performance rating of none other than our distinguished Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez,” saad ni Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong. “It serves as a resounding vote of confidence and an unequivocal seal of approval, both for the dynamic leadership of Speaker Romualdez and for the institution that is the House of the People.”

Ayon naman kay Sarangani Rep. Steve Chiongbian, hindi na kataka-taka ang mataas na rating ni Romualdez, na aniya’y walang pagod na nagsusulong sa mga mahahalagang panukala na makatutulong sa bansa at sa mga Pilipino.

“Throughout the year, he has championed cornerstone bills in economic reforms, education, and public health. He has consistently demonstrated his ability and dedication for driving positive change through effective legislation,” sabi naman ni Chiongbian.

Dagdag niya, mas lalong ginanahan ang Kamara na magsilbi sa taumbayan dahil na rin sa mataas na rating na ibinigay nito kay Romualdez, na siyang namumuno sa halos 300 na mambabatas ng House of Representatives.