Viva! Viva! Viva!: PNP, naka-alerto sa seguridad sa pagbabalik ng Traslacion 2024

Bagaman wala pang nasisilip na banta ang kapulisan sa pinakahihintay na pagbabalik ng traslacion, patuloy pa ring naghahanda ang kapulisan upang masigurong ligtas at walang aberya ang taunang prusisyon na karaniwang dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.

Muling magbabalik ang traslacion sa Enero 9, 2024 matapos ang tatlong taong pagkansela dito dahil sa pandemya. Kanya naman on full alert ang Philippine National Police (PNP) para masigurong mapayapa at maayos ang piyesta ng Itim na Nazareno na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.

Sa katunayan, wala pang nasisilip na banta ang kapulisan sa pinakahihintay na pagbabalik ng prusisyon, na karaniwang tumatagal ng 10 hanggang 14 na oras dahil sa rami ng taong nakikilahok.

“Kagaya ng dati at lagi nating kinagawian, hindi tayo nagkukumpiyansa. Patuloy tayong nagva-validate ng mga information na nare-receive,” ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang panayam sa mga mamamahayag.

“Ini-intensify yung intelligence monitoring natin katuwang yung mga ibang security forces para kung meron man tayong nakikita na mga vulnerabilities as early as now ay nakakapaglatag tayo ng karampatang security measures to prevent any untoward incident,” aniya.

Kaugnay niyan, sinabi ni Fajardo na patuloy sa pagsasagawa ng mga simulation exercise at walkthrough ang Manila Police District (MPD) upang masiguro ang kaayusan ng traslacion.

“Our MPD DD (district director Col. Arnold Thomas Ibay) is going around and holding meetings as well as inspections along the procession route,” ani Fajardo. “We are keeping a tight watch on the activities and we will deploy K9 dogs, especially in the vicinity of the Quiapo Church and the procession routes.”