Viva! Viva! Viva! Libu-libong deboto, dumagsa sa ‘pahalik’ sa Itim na Nazareno

Paalala lamang ng mga organizer, ipinagbabawal pa rin ang aktuwal ng paghalik sa imahe ng Itim na Nazareno. Maaari lamang hawakan ito o punasan ng panyo o tuwalya bilang pag-iingat na rin sa maaaring pagkalat ng sakit. Hanggang ngayon na lamang ang pahalik.

Gaya nang inaasahan, dagsa na ang mga deboto sa tradisyonal na “pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno.

Maaaga pa lamang ay may mga nakapila na sa Quirino Grand Stand, kung saan idinadaos ang pahalik, na paghahanda na rin sa pinakaaabangang Traslacion.

Sa katunayan, may mangilan-ngilang deboto rin ang ang nagpalipas na ng gabi sa Quirino Grand Stand o sa mga lugar malapit rito.

BASAHIN RIN: Viva! Viva! Viva! Maynila, walang pasok sa Enero 9 para sa Traslacion 2024 — PBBM

Paalala lamang ng mga organizer, ipinagbabawal pa rin ang aktuwal ng paghalik sa imahe ng Itim na Nazareno. Maaari lamang hawakan ito o punasan ng panyo o tuwalya bilang pag-iingat na rin sa mga sakit.

Naglagay na rin ng hiwalay na linya para sa mga senior, mga buntis, at mga may kapansanan.

Bago dinala ang Itim na Nazareno ay pinalitan muna ito ng damit sa altar ng Simbahan ng Quiapo sa isang tradisyunal na seremonya.