Viva, Hesus Nazareno! Higit 6M na deboto, nakibahagi sa matagumpay na prusisyon para sa Itim na Nazareno–awtoridad

Ayon sa Philippine National Police, mas mabilis kumpara sa dati ang paggalaw ng andas ngayon Traslacion 2024. Iyan ay kahit pa napatid ang lubid na ginagamit sa paghila sa andas ng Itim na Nazareno.

Bagaman may mga aberya, gaya ng pagkapigtas ng lubid ng andas, ay naging matagumpay pa rin ang pagbabalik ng Traslacion, na taunang inaabangan ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa kapistahan nito.

Sa katunayan, ang naturang prusisyon na dinaluhan ng higit 6.5 milyong deboto, ang isa na sa pinakamabilis matapos nang maibalik ang imahe ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo ng 7:44 p.m.—o 14 oras, 59 minuto pagkatapos magsimula ang Traslacion sa Quirino Grand Stand ng 4:45 a.m.

BASAHIN RIN: Pairalin nating ang pananampalataya, pagmamahal: PBBM, kaisa ng milyung-milyong deboto sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno

“From 4:45 a.m., nag-end ang prusisyon ng Traslacion ng 7:44 p.m. official time. So far, sa pagbabalik muli ng Traslacion, ito ang pinaka-maagam” sabi ng Quiapo Church Command Post.

Iyan ay kahit pa napatid ang lubid na ginagamit upang hilahin ang andas ng Itim na Nazareno, na nilagyan ng glass casing ngayong taon upang protektahan ang banal na imahe ni Hesus.

Ayon naman sa Philippine National Police, mas mabilis kumpara sa dati ang paggalaw ng andas ngayon Traslacion 2024, na unang prusisyon para sa Itim na Nazareno matapos ang pandemya.

BASAHIN RIN: Baka plus-10 sa langit ang blessed balisong? Mga patalim at bala, kumpiskado sa ilang nagsisimba sa Quiapo Church para sa pista ng Itim na Nazareno