Viral teacher na ni-live panenermon, hindi pa pinarurusahan ng DepEd

Wala pang pinapataw na parusa ang Department of Education (DepEd) sa guro na nag-viral matapos i-live ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Wala pang pinapataw na parusa ang Department of Education (DepEd) sa guro na nag-viral matapos i-live ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, wala umano silang procedure pagdating sa pwedeng iparusa sa teacher na nag-live sa TikTok ng kanyang pagalit sa mga bata.

“Wala naman tayong mga sanctions na ganyan until such time na meron tayong procedures na ipa-follow,” ayon kay Bringas.

Hindi pa rin batid ng DepEd kung patuloy pa rin bang pinapayagan ng paaralan na magturo ang naturang guro, na napag-alamang isang public school teacher.

Naglabas na ng show cause order ang DepEd para pagpaliwanag ang guro sa kanyang viral video.

“Ang ating teacher, we will undergo due process, ‘yung karapatan niyang magkaron ng due process, para i-explain ang kanyang side at ibibigay natin ‘yun sa teacher syempre,” saad ng DepEd official.

Sa TikTok live, maririnig na pinagsabihan ng guro ang kanyang mga estudyante na ‘walang mararating sa buhay’ at mga ‘ugaling iskwater’.