VIRAL: Tatay niyakap, sinalubong BF ng anak na beki

"Love wins," ika nga ng karamihan.

“Love wins,” ika nga ng karamihan.

Ito ay matapos mag-viral sa TikTok ang video kung saan mainit na sinalubong ng isang ama ang nobyo ng kanyang anak na miyembro ng LGBTQ community.

Kwento ni John Paul Sarmiento sa kanyang panayam sa GMA, sinundo niya ang nobyo, na galing pa sa klase sa kolehiyo, upang tumuloy sa kanilang bahay.

Nang makarating umano sila sa may gate ng bahay ay nakita nilang nakatayo at naghihintay ang kanyang ama at ina.

“Sinundo ko po ‘yung boyfriend ko kasi taga-Bulacan po siya. Then pag-uwi po namin sa bahay namin dito po sa San Fernando, Pampanga, nasa labas po ng gate ng bahay namin si mama at tatay ko po,” kwento nito.

Nang matapos umanong magmano ang kanyang boyfriend ay niyakap naman ito ng mahigpit ng kanyang ama.

“Then ‘yun na po, nag-bless po boyfriend ko sa tatay ko, ‘yun hinug po niya ito,” dagdag pa ni Paul.

Masaya naman si Paul na tanggap sila ng kanyang magulang at buong sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

@denjiiix_ that hug of my tatay to my boyfriend 🥹🫶🏼 @Sipi Piji #fyp ♬ original sound – lov u