Viral: Sam Concepion, na-shookt sa umeksenang fan sa stage

Viral ang isang tagpo sa performance ng singer na si Sam Concepcion matapos biglang umakyat ang isang lalaki sa stage.

Viral ang isang tagpo sa performance ng singer na si Sam Concepcion matapos biglang umakyat ang isang lalaki sa stage.

Sa kasalukuyan ay humakot na ng mahigit 90,000 reactions ang video ni Sam sa Facebook, kung saan ibinahagi niya kung paano umeksena ang isang lalaki sa gitna ng kanyang pag-awit.

Base sa video, kinakanta ni Sam ang sikat niyang awiting “Dati” sa Umajam Festival sa Agusan del Sur.

Habang kumakanta ay umakyat ang isang lalaking naka-itim at kinuha pa nito ang mic na hawak ng singer.

“I love you idol,” saad ng lalaki na nag-project pa sa audience, sabay balik ng mic kay Sam.

Rumesponde naman ang isang technical crew upang babain ang lalaki.

Pinuri naman si Sam ng mga netizen sa kanyang positibong reaksyon sa nangyari.

“I was there during his performance, kami na nasa crowd were also shocked & worried, buti nalang di nag panic si Sam (I know shocked din sya that time tas natakot). He handled the situation smoothly na parang walang nangyari tas tuloy na ang show. A true performer!” saad ng isang nagkomento.

“Amazing how he handled it!” ayon pa sa isang netizen.

“Wholesome. I wasn’t expecting that,” dagdag pa ng isang FB user.