Viral resort sa gitna ng Chocolate Hills, matagal nang pinakandado ng DENR

Viral sa social media ang isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Viral sa social media ang isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Maraming netizen ang hindi natuwa sa pagtatayo ng swimming pool sa Chocolate Hills, na kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na kauna-unahang global geo-park sa bansa.

Giit ng ilang netizen, hindi tama na magtayo ng mga establisimiyento sa burol lalo pa’t posibleng masira ang natural formation ng Chocolate Hills.

Ang naturang video na nag-viral sa Facebook ay mula kay Ren The Adventurer, kung saan nalaman na Captain’s Peak Resort ang pangalan ng naturang establishment sa gitna ng Chocolate Hills.

Samantala, ayon sa Department of Environement and Natural Resources (DENR), matagal na silang nag-issue ng temporary closure order para sa naturang resort.

“In the case of the Captain’s Peak Resort, the DENR issued a Temporary Closure Order last September 6, 2023, and a Notice of Violation to the project proponent last January 22, 2024 for operating without an ECC (Environmental Compliance Certificate),” ayon sa ahensya.

Nag-isyu na rin ng memorandum si DENR-7 Regional Director Paquito Melicor para mag-inspeksyon sa Captain’s Peak para malaman kung sinunod ng resort ang closure order.