VIRAL: Pagligtas ng bumbero sa mga aso, sinaluduhan ng netizens

Pinuri ng netizens ang mga rumespondeng bumbero sa isang sunog sa Tondo, Manila nitong Martes matapos isalba ang mga alagang aso ng mga nasunugan.

Pinuri ng netizens ang mga rumespondeng bumbero sa isang sunog sa Tondo, Manila nitong Martes matapos isalba ang mga alagang aso ng mga nasunugan.

Nakuhanan ni John Redie ang tagpo kung saan makikitang akay ng mga bumbero at residente ang ilang aso habang palabas sa eskinita ng Moderna Street sa Balut, Tondo.


Dahil dito, maraming netizens ang nagpaabot ng pasasalamat sa mga bayaning bumbero, na kinabibilangan ng isang nakilalang si Daniel Orapa.

“Ililigtas buhay at ari-arian #UnpaidProfession #FireVolunteer,” caption ni Daniel nang kanyang i-share ang kanyang nag-viral na mga larawan.

Itinaas sa unang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area kung saan apat na kabahayan ang natupok.

Agad namang naapula ng mga bumbero ang sunog.