Viral na pagwawala ng guro sa TikTok, abswelto kay VP Sara

Hindi paparusahan ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang guro na nag-live sa TikTok ng sinabihang 'ugaling squatter' ang kanyang estudyante.

Hindi paparusahan ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang guro na nag-live sa TikTok ng sinabihang ‘ugaling squatter’ ang kanyang estudyante.

Sa panayam kay Duterte sa kanyang pagbisita sa Cambodia, sinabi nito na inutusan niya ang isang regional office ng DepEd na huwag patawan ng parusa ang guro na nag-viral.

Paliwanag ni VP Sara, nakita niya ang paliwanag ng guro at napagdesisyunan niyang huwag na itong parusahan.

Lahad ni Duterte, hindi umano alam ng guro na naka-live siya habang pinapagalitan ang kanyang mga estudyante.

Nagbigay na lang ng advice si VP Sara sa guro na tumigil muna sa pagkaklase kapag nakakaramdam ng galit.

“Tao lang tayo lahat. Lahat tayo inaabutan ng galit. Pinasabihan ko yung teacher tumigil muna siya ‘pag galit,” wika ni VP Sara.

Matatandaan na nag-viral ang guro, na nakumpirmang nagtatrabaho sa isang public school, matapos nitong sigawan at sermunan ang kanyang mga estudyante habang siya’y naka-live sa TikTok.