VIRAL: Lola umawra na flower girl sa kasal!

"No flower girls? Flower Lolas to the rescue."

“No flower girls? Flower Lolas to the rescue.”

Ganyan inilarawan ng video ang nagba-viral na post ngayon kung saan bidang-bida sa pagrampa sa isang kasal ang mga lola bilang flower girls.

Base sa video na ipinost ng NK PhotoCinema, mapapanood ang nakangiting paglalakad ng mga lola sa isang kasal habang game na game rin sa paghagis ng mga bulaklak.

Makikita rin na tuwang-tuwa maging ang bride and groom sa kanilang napiling mga flower girls.

“Flower power, grandma style! Celebrating love with our adorable flower lolas at the wedding,” caption sa post.

Nagkomento rin ang bride sa naturang post at sinabing: “I’m the bride and these are my lolas! Fun fact: Staying alive is really their song when they walked down the aisle.”

Samantala, umabot na sa 1.3K ang pumuso at nag-like sa viral post.

#image_title