VIRAL: Lalaki niregaluhan girlfriend ng kambing sa graduation

Viral ngayon sa social media ang kakaibang regalo ng isang lalaki sa Midsayap sa Cotabato para sa kanyang girlfiend.

Viral ngayon sa social media ang kakaibang regalo ng isang lalaki sa Midsayap sa Cotabato para sa kanyang girlfiend.

Imbis kasi na bulaklak o ‘di kaya’y alahas, naisip nitong bigyan ng kambing ang kanyang nobya para sa Graduation Ceremony nito.

Sa Facebook, umani ng iba’t ibang reaksyon ang post ni Ems Collados kung saan makikita na nakangiting inabot ni Ton-ton Funtilon ang isang kambing.

Dito ay masaya niyang inabot sa girlfriend na si Camille Viloan ang regalo. Aliw na aliw naman ang mga kapamilya at kaibigan ng dalawa.

“Isang college graduate ng NDMC, niregaluhan ng kanyang nobyo ng isang Kambing!!! The best ka, Ton Ton Funtilon!” caption sa post.

Dahil dito, umani na ng 83.8K views ang post at nakakuha na rin ito ng 2.2K likes at 1.4K shares ang naturang video.