VIRAL: Kaya absent sa Gilas? Jamie Malonzo binugbog ng ‘di kilalang lalaki

Viral ngayon sa social media ang ginawang pambubugbog ng isang lalaki kay Ginebra at Gilas Pilipinas forward Jamie Malonzo.

Viral ngayon sa social media ang ginawang pambubugbog ng isang lalaki kay Ginebra at Gilas Pilipinas forward Jamie Malonzo.

Sa video na unang pinost sa X (Twitter) ng batikang sports reporter na si Snow Badua, makikita sa unang parte ng video na tila kuha sa isang fast food restaurant na sinubukang hawakan ni Jamie ang bandang leeg ng lalaki bago ito itulak.

Nang nakawala na ang nakaputing lalaki ay bigla itong nagpakawala ng uppercut, dahilan para mapaatras at lumayo si Malonzo.

Hindi nagpaawat ang lalaki at sumunod pa kay Malonzo at sinundan ito ng upak sa mukha hanggang sa matumba ang 6-foot-6 na manlalaro.

Natigil lang ang kaguluhan nang umawat ang isang babae, na tila kasama ng lalaking nanuntok kay Malonzo.

Hindi klaro kung kailan kuha ang video, ngunit sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Chinese Taipei sa 2025 FIBA Asia Cup qualifiers ay kasama dapat sa lineup si Malonzo, ngunit hindi ito nakita sa venue.

Ayon sa koponan, mayroon umanong acute gastroenteritis si Malonzo kaya hindi ito nakalaro.

Sa ngayon ay wala pang nilalabas na pahayag si Malonzo tungkol sa viral video.