VIRAL: Guro ni-live sa TikTok pang-iinsulto sa mga estudyante

Usapan ngayon sa social media ang TikTok live ng isang guro na sinesermunan ang kanyang mga estudyante na sinabihan niyang 'walang mararating sa buhay.

Usapan ngayon sa social media ang TikTok live ng isang guro na sinesermunan ang kanyang mga estudyante na sinabihan niyang ‘walang mararating sa buhay.

Sa live ni @serendipitylover, maririnig kung papaano nito pinagalitan ang kanyang mag-aaral.

Aniya, hindi siya naging teacher para lang gawing ‘robot’ at pagtawanan ng kanyang mga estudyante.

Sinabihan niya pa na makakapal umano ang mukha ng kanyang mga estudyante.

Bukod pa diyan, pinunto din niya na hindi umano matatalino at masama pa ang ugali ng mga batang tinuturuan niya.

“Hindi na nga kayo matalino. Masama pa ugali niyo. Wala kayong mararating. Wala kayong lugar sa mundo!” giit pa ng guro.

Hindi naman klaro kung anong pinag-ugatan ng galit ng naturang guro. Naka-private na rin ang account nito sa TikTok.