VIRAL: DOT official, tinigil importanteng meeting para sa tawag ng beshie

Sentro ng kontrobersya ngayon si Department of Tourism (DOT) Undersecretary Elaine Bathan matapos nitong ipatigil ang isang meeting dahil lang sa kanyang kaibigan.

Sentro ng kontrobersya ngayon si Department of Tourism (DOT) Undersecretary Elaine Bathan matapos nitong ipatigil ang isang meeting dahil lang sa kanyang kaibigan.

Nabuking si Bathan matapos mag-post sa Facebook ang kanyang kaibigan na si Regal Oliva ng kanilang conversation.

Ayon kay Oliva, nagpatulong siya kay Bathan para lang magpaturo gumamit ng Google Translate at maka-order ng pagkain sa Japan dahil wala umanong English menu doon.

“So I called Usec and Bestie Elaine Bathan today. She was in a middle of a very important meeting that concerns a sensitive national issue,” ayon kay Oliva.

Sa pag-uusap nina Oliva at Bathan, sinabi ng una na importante raw ang kailangan nito kaya naman pinahinto ng DOT official ang meeting.

Nag-reply pa umano sa kanya si Bathan ng, “Hahaha – feeding you in Japan is more important than matters of national concern Ma.”

Dahil dito’y maraming netizen ang nagngitngit sa undersecretary ng DOT.

Isa na rito si activitist Lean Porquia na giniit na lumalabas ang pagka-entitled ni Bathan sa naturang post.

“Google translate is more important than matters of national concern. The entitlement of persons in power and they’re proud of it,” hirit ni Porquia.

Samantala, pinagtanggol naman ni Oliva si Bathan at sinabing ‘exaggerated’ lang daw ang kanilang naging pag-uusap.

Aniya, ‘lapse of judgment’ ang kanyang pag-post ng kanilang convo at binida pa ang kaibigan na “most hardworking, dedicated, and upstanding leaders” na nakilala niya.

Samantala, wala pang pahayag si Bathan o ang DOT hinggil sa naturang issue.