VIRAL: Delivery rider umeksena sa kasal sa Tarlac!

Sakto ang naging timing ng isang delivery rider dahil ang kanyang palang pagbibigyan ng parcel ay ikakasal na!

Sakto ang naging timing ng isang delivery rider dahil ang kanyang palang pagbibigyan ng parcel ay ikakasal na!

Sa kuhang larawan ng MadShotz, makikita ang pagtanggap ng parcel ni Darlyn Guevarra-Ramos habang nakasuot ng wedding gown.

Ayon sa bride, mismong sa araw ng kanyang kasal dumating ang kanyang parcel na isang desktop organizer.

Dahil wala nga sa bahay ang bride ay tinuro pa daw ng mga kapitbahay nito sa delivery rider kung saan sila ikakasal.

Kaya naman hindi na-delay ang pagde-deliver at naging parte pa ng memorable day ng bride!

Ikinasal si Darlyn sa Immaculate Conception Parish Church sa Tarlac noong Marso.