VIRAL: Chocolate Hills resort, nilagay na sa P200 bill?

Pagdating sa katatawanan, hindi magpapahuli ang mga Pinoy na sumakay na nga sa issue ng resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Pagdating sa katatawanan, hindi magpapahuli ang mga Pinoy na sumakay na nga sa issue ng resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Viral sa social media ang post ng satirical Facebook page na International State College of the Philippines kung saan makikita ang isang P200 bill.

Sa naturang bill, mapapansin na tila may establisimiyento sa Bohol Chocolate Hills.

Kapag pinansing mabuti ay kapareho ito ng nag-viral na Captain’s Peak Garden and Resort.


Kaya naman maraming netizen ang naaliw sa pakulo ng naturang page.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Mga 5 minutes akong napaisip.. ‘yung resort pala.”

“Bakit may resort na diyan? (laughing face emoji)”

“Nagulat din ‘yung tarsier eh. Pano daw nagkaroon ng resort don.”

Inanunsyo na ng management ng resort na kanila nang isasarado muna ang lugar bilang pagsunod sa temporary closure order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).