VIRAL: Baboy bumulaga sa Cebu expressway

Napahinto ang ilang motorista dahil sa baboy na naglalakad sa gitna ng Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEX).

Napahinto ang ilang motorista dahil sa baboy na naglalakad sa gitna ng Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEX).

Sa Facebook video ni Chanix Tatum, makikita ang baboy na nilapitan ang isang motorsiklo bago tumabi sa kalsada.

Inalerto naman ang guard sa expressway tungkol sa palakad-lakad na baboy.

Napag-alaman na galing ito sa isang delivery truck kung saan nakawala ang hayop.

Agad naman itong nabalikan ng truck para maalis sa expressway ang kanilang baboy.