Virac PNP, pinasinayaan ang bagong istasyon

Magagamit ng pulis Virac ang bago nitong himpilan sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30

CATANDUANES – Pinangunahan ni Virac Bishop Manolo Delos Santos ang blessing and inauguration ng bagong himpilan ng Virac PNP nitong Miyerkules, Oktubre 4, 2023 sa Brgy. San Isidro Village.

Dumalo sa okasyon si Virac Mayor Samuel Laynes at si Catanduanes Gov. Joseph Cua na nanguna sa Ribbon Cutting Ceremony at unveiling ng marker habang pinadala naman si Col. Glicerio Cansilao bilang kinatawan ni Bicol police regional director Brig. Gen. Westrimundo Obinque.

Binubuo ng 68 kapulisan ang himpilan na pinamumunuan ni Maj. Kevin Caparroso.

Ngayong buwan din nang matapos ang konstruksyon ng naturang himpilan at sisimulang gamitin pagkatapos lamang ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).