VIP sa Timor Leste? DOJ inaapura deportation ni Teves

Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtoridad sa Timor-Leste na ipa-deport na pabalik ng Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtoridad sa Timor-Leste na ipa-deport na pabalik ng Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ito ay matapos umanong suhulan ng kanyang anak ang Timor-Leste police para sa kanyang “special treatment.”

Ayon sa isang news site sa naturang bansa, nag-abot umano ang anak ni Teves ng USD2,000 o mahigit P114,000 para sa kanyang seguridad sa loob at labas ng Becora Prison.

“As a result, calls for the immediate extradition or deportation of Teves has intensified in Timor Leste to prove to the international community that the country does not harbor international fugitives,” pahayag ng DOJ.

Si Teves ay naaresto ng International Police (Interpol) sa bansang East Timor.

Wanted si Teves sa kaugnayan umano nito sa pagpaslang kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo noong nakaraang taon.