Vilma Santos sure win pag tumakbong Batangas governor – Recto

Malaki ang tiwala ni Finance Secretary Ralph Recto na mananalo ang kanyang misis na si Vilma Santos kapag tumakbo itong gobernador sa Batangas.

Malaki ang tiwala ni Finance Secretary Ralph Recto na mananalo ang kanyang misis na si Vilma Santos kapag tumakbo itong gobernador sa Batangas.

Ayon kay Recto, pinag-iisipan ni Vilma kung babalik ba ito sa politika.

“‘Pag tumakbo ‘yun, siguradong panalo ‘yun,” hirit ni Recto.

“Kawawa ‘yung lalaban du’n,” biro pa nito.

Si Vilma ay unang naging mayor ng Lipa taong 1998.

Matapos nito ay nanalo siyang gobernador ng Lipa noong 2007 hanggang 2016.

Sunod naman ay nahalal si Vilma na kongresista sa District VI ng Batangas hanggang 2022 bago ito nagpahinga sa public service.