Vilma Santos kinontra pag-upo ni Ralph Recto sa DOF

Isiniwalat ni Vilma Santos na hindi siya boto na maging kalihim ng Department of Finance (DOF) ang asawa niyang si Ralph Recto.

Isiniwalat ni Vilma Santos na hindi siya boto na maging kalihim ng Department of Finance (DOF) ang asawa niyang si Ralph Recto.

Ayon sa aktres, ayaw niyang mabahiran ang reputasyon ng kanyang asawa dahil sa mga desisyon na dapat niyang gawin bilang Finance Secretary.

“I really argued with Ralph, I don’t want [this for him]. I told Ralph that, ‘Ralph, no, no, no please’,” kwento ni Vilma.

Isa sa hinalimbawa ni Vilma ang matinding batikos na nakuha ni Sec. Ralph nang ihain niya sa Senado ang expanded value-added tax (EVAT).

“If I may be honest, I had a bad experience with the EVAT,” saad ng aktres. “He did the right thing!”

“When he was offered the position of Secretary of Finance, I told him, ‘Ralph, please, I don’t want you to experience that pain again or for our family to suffer,'”dagdag pa niya.

Gayunman, tiwala pa rin si Vilma na nasa likod ni Ralph ang buong DOF sa pag-abot ng mga layunin ng Marcos administration.