Villar sa istruktura sa Chocolate Hills: Dapat pampaganda, hindi panira!

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na maaari namang tayuan ng istruktura ang mga protected area gaya ng Chocolate Hills, basta't hindi nito masisira ang natural na ganda ng lugar.

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na maaari namang tayuan ng istruktura ang mga protected area gaya ng Chocolate Hills, basta’t hindi nito masisira ang natural na ganda ng lugar.

“Pwede rin [magtayo ng istruktura sa Chocolate Hills] pero dapat to enhance the protected area not to destroy the protected area,” saad ni Villar sa panayam ng Super Radyo dzBB ngayong Linggo.

Bukod pa rito, hindi rin umano dapat gamitin pang-negosyo ang mga protected area.

“Kapag protected area, hindi siya pam-business,” aniya.

Nitong nagdaang linggo ay inulan ng batikos ang Captain’s Peak Garden and Resort na itinayo sa pagitan ng Chocolate Hills sa Bohol. Agad na ipinasara ang naturang resort.

Ayon pa kay Villar, tututukan ng Senate Committee on Environment and Natural Resources ang isyu.

“Ifa-file namin ang resolusyon sa Senate para kahit break, maghi-hearing kami. Maybe the following week. If it’s not Holy Week, the week after Holy Week,” dagdag pa ng mambabatas.